Ang Unemployment ay isang kondisyon kung saan ang mga manggagawa ay
walang mahanap o mapasukang trabaho sa kabila ng kanilang sapat na pinag-aralan at
kakayahan. Ang unemployment ay isang seryosong isyung panlipunan na
nakakaapekto sa iba't ibang aspekto ng ating pamumuhay. Hindi pa man nag-uumpisa
ang pandemya ay isa na sa mga suliraning panlipunan ng ating bansa ang kawalan ng
trabaho. Tila ba ang suliraning ito ay lalo pang nararamdaman ng ating mga kababayan
dulot ng pandemyang ating kinakaharap hanggang sa kasalukuyan.
Simula nang ipinatupad ng gobyerno ang total lockdown sa ating bansa ay isa-isa nang nagsara ang mga establisyemento, kung kaya upang maisalba ang kanilang mga negosyo kinailangan nilang bawasan o magtangal ng mga empleyado na naging dahilan din ng pagtaas ng unemployment sa bansa. Ayon sa datos mula sa Philippine Statistic Authority tumaas ng 8.9% o susumahin na 4.25 milyong mga kababayan natin ang nawalan ng kanilang trabaho sa kasalukuyan, ito ang pinaka mataas na naitalang porsyento mula noong Enero sa taong 2021 at makikita natin ang patuloy na pagtaas nito sa paglipas ng pahanon.
Maraming Pilipino ang nagalit, nadismaya at nalungkot sa sistemang ipinakita ng ating gobyerno sa panahon ng pandemya partikular na sa industriya ng negosyo. Kahit gayon pa man ang nangyari, hindi natinag ang ating gobyerno sa pagtataguyod at pangangasiwa upang mapataas muli ang ekonomiya at makapag bigay muli ng trabaho sa ating mga kababayan, subalit sapat nga ba talaga ang kanilang naging aksyon o may mas maganda pang solusyon na hindi lang nabigyang pansin.
Simula nang ipinatupad ng gobyerno ang total lockdown sa ating bansa ay isa-isa nang nagsara ang mga establisyemento, kung kaya upang maisalba ang kanilang mga negosyo kinailangan nilang bawasan o magtangal ng mga empleyado na naging dahilan din ng pagtaas ng unemployment sa bansa. Ayon sa datos mula sa Philippine Statistic Authority tumaas ng 8.9% o susumahin na 4.25 milyong mga kababayan natin ang nawalan ng kanilang trabaho sa kasalukuyan, ito ang pinaka mataas na naitalang porsyento mula noong Enero sa taong 2021 at makikita natin ang patuloy na pagtaas nito sa paglipas ng pahanon.
Mayroong iba'tibang uri ng unemployment:
1. Frictional -ito ay nagaganap kapag ang indibidwal ay lumilipat sa ibang trabaho mula sa dating trabaho.
2. Cyclical - ito ay nagaganap kapag may krisis sa ekonomiya.
3. Seasonal - nagaganap ang pag kawala ng trabaho bunga ng pagbabago ng panahon at okasyon.
Source:https://rmn.ph/pagpapabilis-sa-pagdating-ng-pangakong-ayuda-ng-gobyerno-ipinanawagan-ng-ilang-labor-groups/ Sa panahon ng pandemya, sadyang inaasahan ang tulong mula sa nakatataas upang mabigyan ng pantugon sa pangangailangan ang mga mamamayan. Noong unang bugso ng pandemya ay kinakaya pa ng mga ayuda ang pagtugon, ngunit habang tumatagal, hindi na ito nagiging sapat para sa lahat. Madami na ang humingi ng tulong upang magkaroon ng mapagkakakitaan ngunit nagkaroon din ng isyu rito. Isa na ang tamang impormasyon tungkol sa unemployment na siyang kailangan para sa pondong mailalabas para sa mamamayan.
Ayon kay Ralf Rivas,"They didn’t even say that the 17.7% in April 2020 was the highest ever record na unemployment rate" ukol sa hindi pagiging transparent ng pamahalaan sa impormasyon tungkol sa unemployment."The economic team said back to pre-pandemic levels ang rate without saying na mas maraming naghahanap ng trabaho ngayon. And glossing over the fact na may mga ga-graduate ulit this year na maghahanap ng trabaho and there are no jobs out there" dagdag pa nito.
Sanhi at Epekto ng pagkakaroon ng mataas na Unemployment rate
Mahirap nga
ang makakuha ng trabaho, ngunit madali ang makabuo ng pamilya at makagawa ng mga
supling. Ang ideyang ito ang siyang nag presenta kung bakit din tumataas ang porsyento
ng unemployment sa bansa. Dahil sa paglaki ng populasyon ay marami ang walang trabaho
na nauuwi sa ekonomikong resesyon na kung saan ang antas ng kawalan ng trabaho ay
tila ba walang hangganan. Ang pandemya ay maaaring lumikha ng pangmatagalang epekto
sa trabaho. Sa madaling salita, ang pansamantalang malaking pagka bigla sa ekonomiya
ay maaaring magdulot ng patuloy na pagbaba ng antas ng trabaho kahit na nagsimula nang muling lumago ang ekonomiya. Ayon sa mga ekonomistang bansa, dumarami ang trabaho
sa Pilipinas ngunit mabilis din ang paglaki ng labor force dahil sa paglaki ng populasyon.
Dahil din sa mabilis na pagsulong ng teknolohiya ngayon, maraming kumpanya ang mas
nais na magkaroon ng machinery work force kaysa sa labor work force, sa kadahilanang makakabawas sila ng gastusin gayundin ay mapapanatili nila ang seguridad sa kanilang kalusugan, ang manwal
na paggawa ay napapalitan na ng makinarya na siyang nag dudulot ng mataas na bilang
ng unemployment.
Malaki ang naging epekto ng pataas na pataas na bilang ng unemployment sa mamamayan at sa bansa. Karamihan sa nawalan ng pagkakakitaan ay mula sa National Capital Region (NCR) at Metro Manila na nagdulot ng iba’t ibang epekto sa kanilang pamumuhay. Dahil sa unemployment ay mas tumindi ang kahirapan ng bansa, ang dating mahirap ay mas lalo pang naghirap, ang dating may malinis na dangal ay naging isang kriminal upang matustusan lamang ang pangangailangan sa araw-araw. Ang ating lakas pag gawa ay lumilisan patungo sa ibang bansa upang kumita ng mas malaking salapi at ang maliit na negosyong nagbibigay ng trabaho sa bansa ay patuloy na nalulugi dahil sa mga dambuhalang kumpanya.
Nang bumugso ang pandemya, nag sara din ang mga bansa sa pagtanggap ng mga OFW upang maiwasan ang pagkalat ng sakit. Ito ay nagdulot ng pagka-istranded ng ating mga kababayan dito sa bansa at hindi na nakabalik sa bansa na kanilang pinagtatrabahuhan. Ito ay nagkaroon ng malaking epekto sapagkat ang kanilang bilang ay dumagdag sa porsyento ng unemployment sa Pilipinas.

Ano ang posibleng solusyon? Malaki man ang suliranin ng bansa sa unemployment meron namang mga solusyon upang mabawasan o malutas ito. Isa sa mga solusyon na ginawa ng Pilipinas noong Marso 27, 2020 ay pinagtibay ng Pangulo ang Coronavirus Aid Relief and Economic Security Act (CARES), ito ay nagtatag ng programang PUA, programa ng tulong sa kawalan ng trabaho sakaling magkaroon ng epidemya. Ang Assistance (PUA) ay nagbibigay ng pansamantalang tulong sa mga kawani dahil sa ilang mga kadahilanan kaugnay sa COVID-19. Sa pangkalahatan, nagbibigay ito ng hanggang 39 na linggong benepisyo sa kawalan ng trabaho. Sa ilalim ng programang pang gobyerno, makakukuha ng subsidiya mula sa DOLE ang mga manggagawang hindi nakatanggap ng sahod dahil sa mga nakasaradong establisyementong kanilang pinagtatrabahuhan. Tinitingnan din ang mabilisang aksyon sa pagbabakuna ng mga mamamayan upang magkaroon ng proteksyon laban sa COVID-19 na siyang makakatulong upang makapag bukas muli ang mga negosyo at maiahon ang ekonomiya ng bansa nang sa ganon ay makabuo muli ng mga trabaho para sa mga Pilipino.
Isa sa ugat ng unemployment ay ang kakulangan ng edukasyon, kung maraming mamamayan ang makakapagtapos ay mas marami silang makukuhang oportunidad sa loob man o labas ng bansa dahil mayroon na silang mahusay na pandaigdigang kakayahan kaya’t dapat ay bigyang pansin ng gobyerno ang pagbibigay ng libreng edukasyon. Maari ring babaan ang pamantayan sa pagkuha ng mga trabahador, karamihan sa mga kompanya ay may mga sinusunod na edad, taas ng tao, pinag aralan at kasanayan nito sa isang trabahong kanyang papasukan na kung titingnan at hindi naman siya ganun kahalaga dahil tulad sa ating karatig na bansa na mas binibigyan nilang importansya ang kakayahan at abilidad ng tao sa kanyang papasukan na trabaho.
Kung mapapalakas din ang sektor ng agrikultura ay mabibigyan ng trabaho ang mga mamamayan sa mga rural na lugar na ang pangunahing ikinabubuhay ay pagsasaka, ito din ay makatutulong sa kanila upang mapalago ang kanilang lugar at magkaroon ng maayos na industriyalisasyon ang bansa. Kailangan ding makontrol ang populasyon ng bansa, ito ay maaaring isagawa sa pagtuturo sa mga mamamayan ng family planning. Ang mga maliliit na negosyo ay kailangang mabigyang daan upang lumago at makapagbigay ng trabaho sa mga mamamayan ng bansa. Ang bawat suliranin ay may solusyon, kailangan lamang ng tamang pagpaplano at pamamaraan.
Malaki man ang suliranin ng bansa sa unemployment meron namang mga solusyon upang mabawasan o malutas ito. Isa sa mga solusyon na ginawa ng Pilipinas noong Marso 27, 2020 ay pinagtibay ng Pangulo ang Coronavirus Aid Relief and Economic Security Act (CARES), ito ay nagtatag ng programang PUA, programa ng tulong sa kawalan ng trabaho sakaling magkaroon ng epidemya. Ang Assistance (PUA) ay nagbibigay ng pansamantalang tulong sa mga kawani dahil sa ilang mga kadahilanan kaugnay sa COVID-19. Sa pangkalahatan, nagbibigay ito ng hanggang 39 na linggong benepisyo sa kawalan ng trabaho. Sa ilalim ng programang pang gobyerno, makakukuha ng subsidiya mula sa DOLE ang mga manggagawang hindi nakatanggap ng sahod dahil sa mga nakasaradong establisyementong kanilang pinagtatrabahuhan. Tinitingnan din ang mabilisang aksyon sa pagbabakuna ng mga mamamayan upang magkaroon ng proteksyon laban sa COVID-19 na siyang makakatulong upang makapag bukas muli ang mga negosyo at maiahon ang ekonomiya ng bansa nang sa ganon ay makabuo muli ng mga trabaho para sa mga Pilipino.
Isa sa ugat ng unemployment ay ang kakulangan ng edukasyon, kung maraming mamamayan ang makakapagtapos ay mas marami silang makukuhang oportunidad sa loob man o labas ng bansa dahil mayroon na silang mahusay na pandaigdigang kakayahan kaya’t dapat ay bigyang pansin ng gobyerno ang pagbibigay ng libreng edukasyon. Maari ring babaan ang pamantayan sa pagkuha ng mga trabahador, karamihan sa mga kompanya ay may mga sinusunod na edad, taas ng tao, pinag aralan at kasanayan nito sa isang trabahong kanyang papasukan na kung titingnan at hindi naman siya ganun kahalaga dahil tulad sa ating karatig na bansa na mas binibigyan nilang importansya ang kakayahan at abilidad ng tao sa kanyang papasukan na trabaho.
Kung mapapalakas din ang sektor ng agrikultura ay mabibigyan ng trabaho ang mga mamamayan sa mga rural na lugar na ang pangunahing ikinabubuhay ay pagsasaka, ito din ay makatutulong sa kanila upang mapalago ang kanilang lugar at magkaroon ng maayos na industriyalisasyon ang bansa. Kailangan ding makontrol ang populasyon ng bansa, ito ay maaaring isagawa sa pagtuturo sa mga mamamayan ng family planning. Ang mga maliliit na negosyo ay kailangang mabigyang daan upang lumago at makapagbigay ng trabaho sa mga mamamayan ng bansa. Ang bawat suliranin ay may solusyon, kailangan lamang ng tamang pagpaplano at pamamaraan.
Reperensya:
https://www.scribd.com/doc/281970987/Unemployment-sa-Pilipinas?fbclid=IwAR3Y8dWmM2az0ASo8Cr7TJOWGpiQGDr0Bq6viksXd9sDu4hr647Zn90kPPICatubayL.
https://www.scribd.com/doc/281970987/fbclid=IwAR3Y8dWmM2az0ASo8Cr7TJOWGpiQGDr0Bq6viksXd9sDu4hr647Zn90kPPIOrtiz https://www.academia.edu/42045528/Araling_4_KAWALAN_NG_TRABAHO?fbclid=IwAR3CzLOnKq9lv7VVKGCt6wdN59Ty2VCl4SmdPsCkDvPU2NsdWeZRu-_TEEYPettingerT.(2009).
https://econ.economicshelp.org/2009/10/solutions-to-unemployment.html?m=1&fbclid=IwAR1bzDDFiB9Mx NkuTZk_0DKdrLjP8mZjboFGmj_JlChNY380p6vf1JF5swUniyalS (2020).
https://dinosoftlabs.com/10-initiatives-by-government-of-india-to-curb
unemployment/?fbclid=IwAR2rb-j0AR wLzizE5DMzsea8jDAk0hX5cQQtMkH6tev33IBjl5qPY2oapg https://spontaneousheroes.weebly.com/unemployment.html https://yanniashley.wordpress.com/2017/08/19/kawalan-ng-trabaho/ https://oui.doleta.gov/unemploy/coronavirus/pua_factsheets/pua-fs-tagalog.pdf