Friday, December 31, 2021

Pandemya: Paano na? "Kawalan ng hanapbuhay sa gitna ng pandemya"







Source: https://www.bworldonline.com/jobless-rate-soars-to-8-9-in-sept/



















    Ang Unemployment ay isang kondisyon kung saan ang mga manggagawa ay walang mahanap o mapasukang trabaho sa kabila ng kanilang sapat na pinag-aralan at kakayahan. Ang unemployment ay isang seryosong isyung panlipunan na nakakaapekto sa iba't ibang aspekto ng ating pamumuhay. Hindi pa man nag-uumpisa ang pandemya ay isa na sa mga suliraning panlipunan ng ating bansa ang kawalan ng trabaho. Tila ba ang suliraning ito ay lalo pang nararamdaman ng ating mga kababayan dulot ng pandemyang ating kinakaharap hanggang sa kasalukuyan. 
       
    Simula nang ipinatupad ng gobyerno ang total lockdown sa ating bansa ay isa-isa nang nagsara ang mga establisyemento, kung kaya upang maisalba ang kanilang mga negosyo kinailangan nilang bawasan o magtangal ng mga empleyado na naging dahilan din ng pagtaas ng unemployment sa bansa. Ayon sa datos mula sa Philippine Statistic Authority tumaas ng 8.9% o susumahin na 4.25 milyong mga kababayan natin ang nawalan ng kanilang trabaho sa kasalukuyan, ito ang pinaka mataas na naitalang porsyento mula noong Enero sa taong 2021 at makikita natin ang patuloy na pagtaas nito sa paglipas ng pahanon. 

    Maraming Pilipino ang nagalit, nadismaya at nalungkot sa sistemang ipinakita ng ating gobyerno sa panahon ng pandemya partikular na sa industriya ng negosyo. Kahit gayon pa man ang nangyari, hindi natinag ang ating gobyerno sa pagtataguyod at pangangasiwa upang mapataas muli ang ekonomiya at makapag bigay muli ng trabaho sa ating mga kababayan, subalit sapat nga ba talaga ang kanilang naging aksyon o may mas maganda pang solusyon na hindi lang nabigyang pansin. 


Mayroong iba'tibang uri ng unemployment:


1. Frictional -ito ay nagaganap kapag ang indibidwal ay lumilipat sa ibang trabaho mula sa dating trabaho.
2. Cyclical - ito ay nagaganap kapag may krisis sa ekonomiya.
3. Seasonal - nagaganap ang pag kawala ng trabaho bunga ng pagbabago ng panahon at okasyon.


Source:https://rmn.ph/pagpapabilis-sa-pagdating-ng-pangakong-ayuda-ng-gobyerno-ipinanawagan-ng-ilang-labor-groups/

    Sa panahon ng pandemya, sadyang inaasahan ang tulong mula sa nakatataas upang mabigyan ng pantugon sa pangangailangan ang mga mamamayan. Noong unang bugso ng pandemya ay kinakaya pa ng mga ayuda ang pagtugon, ngunit habang tumatagal, hindi na ito nagiging sapat para sa lahat. Madami na ang humingi ng tulong upang magkaroon ng mapagkakakitaan ngunit nagkaroon din ng isyu rito. Isa na ang tamang impormasyon tungkol sa unemployment na siyang kailangan para sa pondong mailalabas para sa mamamayan.

    Ayon kay Ralf Rivas,"They didn’t even say that the 17.7% in April 2020 was the highest ever record na unemployment rate" ukol sa hindi pagiging transparent ng pamahalaan sa impormasyon tungkol sa unemployment."The economic team said back to pre-pandemic levels ang rate without saying na mas maraming naghahanap ng trabaho ngayon. And glossing over the fact na may mga ga-graduate ulit this year na maghahanap ng trabaho and there are no jobs out there" dagdag pa nito. 


Sanhi at Epekto ng pagkakaroon ng mataas na Unemployment rate

    Mahirap nga ang makakuha ng trabaho, ngunit madali ang makabuo ng pamilya at makagawa ng mga supling. Ang ideyang ito ang siyang nag presenta kung bakit din tumataas ang porsyento ng unemployment sa bansa. Dahil sa paglaki ng populasyon ay marami ang walang trabaho na nauuwi sa ekonomikong resesyon na kung saan ang antas ng kawalan ng trabaho ay tila ba walang hangganan. Ang pandemya ay maaaring lumikha ng pangmatagalang epekto sa trabaho. Sa madaling salita, ang pansamantalang malaking pagka bigla sa ekonomiya ay maaaring magdulot ng patuloy na pagbaba ng antas ng trabaho kahit na nagsimula nang muling lumago ang ekonomiya. Ayon sa mga ekonomistang bansa, dumarami ang trabaho sa Pilipinas ngunit mabilis din ang paglaki ng labor force dahil sa paglaki ng populasyon. Dahil din sa mabilis na pagsulong ng teknolohiya ngayon, maraming kumpanya ang mas nais na magkaroon ng machinery work force kaysa sa labor work force, sa kadahilanang makakabawas sila ng gastusin gayundin ay mapapanatili nila ang seguridad sa kanilang kalusugan, ang manwal na paggawa ay napapalitan na ng makinarya na siyang nag dudulot ng mataas na bilang ng unemployment. 

    Malaki ang naging epekto ng pataas na pataas na bilang ng unemployment sa mamamayan at sa bansa. Karamihan sa nawalan ng pagkakakitaan ay mula sa National Capital Region (NCR) at Metro Manila na nagdulot ng iba’t ibang epekto sa kanilang pamumuhay. Dahil sa unemployment ay mas tumindi ang kahirapan ng bansa, ang dating mahirap ay mas lalo pang naghirap, ang dating may malinis na dangal ay naging isang kriminal upang matustusan lamang ang pangangailangan sa araw-araw. Ang ating lakas pag gawa ay lumilisan patungo sa ibang bansa upang kumita ng mas malaking salapi at ang maliit na negosyong nagbibigay ng trabaho sa bansa ay patuloy na nalulugi dahil sa mga dambuhalang kumpanya. 

    Nang bumugso ang pandemya, nag sara din ang mga bansa sa pagtanggap ng mga OFW upang maiwasan ang pagkalat ng sakit. Ito ay nagdulot ng pagka-istranded ng ating mga kababayan dito sa bansa at hindi na nakabalik sa bansa na kanilang pinagtatrabahuhan. Ito ay nagkaroon ng malaking epekto sapagkat ang kanilang bilang ay dumagdag sa porsyento ng unemployment sa Pilipinas.

Ano ang posibleng solusyon?

    Malaki man ang suliranin ng bansa sa unemployment meron namang mga solusyon upang mabawasan o malutas ito. Isa sa mga solusyon na ginawa ng Pilipinas noong Marso 27, 2020 ay pinagtibay ng Pangulo ang Coronavirus Aid Relief and Economic Security Act (CARES), ito ay nagtatag ng programang PUA, programa ng tulong sa kawalan ng trabaho sakaling magkaroon ng epidemya. Ang Assistance (PUA) ay nagbibigay ng pansamantalang tulong sa mga kawani dahil sa ilang mga kadahilanan kaugnay sa COVID-19. Sa pangkalahatan, nagbibigay ito ng hanggang 39 na linggong benepisyo sa kawalan ng trabaho. Sa ilalim ng programang pang gobyerno, makakukuha ng subsidiya mula sa DOLE ang mga manggagawang hindi nakatanggap ng sahod dahil sa mga nakasaradong establisyementong kanilang pinagtatrabahuhan. Tinitingnan din ang mabilisang aksyon sa pagbabakuna ng mga mamamayan upang magkaroon ng proteksyon laban sa COVID-19 na siyang makakatulong upang makapag bukas muli ang mga negosyo at maiahon ang ekonomiya ng bansa nang sa ganon ay makabuo muli ng mga trabaho para sa mga Pilipino.
    Isa sa ugat ng unemployment ay ang kakulangan ng edukasyon, kung maraming mamamayan ang makakapagtapos ay mas marami silang makukuhang oportunidad sa loob man o labas ng bansa dahil mayroon na silang mahusay na pandaigdigang kakayahan kaya’t dapat ay bigyang pansin ng gobyerno ang pagbibigay ng libreng edukasyon. Maari ring babaan ang pamantayan sa pagkuha ng mga trabahador, karamihan sa mga kompanya ay may mga sinusunod na edad, taas ng tao, pinag aralan at kasanayan nito sa isang trabahong kanyang papasukan na kung titingnan at hindi naman siya ganun kahalaga dahil tulad sa ating karatig na bansa na mas binibigyan nilang importansya ang kakayahan at abilidad ng tao sa kanyang papasukan na trabaho.
    Kung mapapalakas din ang sektor ng agrikultura ay mabibigyan ng trabaho ang mga mamamayan sa mga rural na lugar na ang pangunahing ikinabubuhay ay pagsasaka, ito din ay makatutulong sa kanila upang mapalago ang kanilang lugar at magkaroon ng maayos na industriyalisasyon ang bansa. Kailangan ding makontrol ang populasyon ng bansa, ito ay maaaring isagawa sa pagtuturo sa mga mamamayan ng family planning. Ang mga maliliit na negosyo ay kailangang mabigyang daan upang lumago at makapagbigay ng trabaho sa mga mamamayan ng bansa. Ang bawat suliranin ay may solusyon, kailangan lamang ng tamang pagpaplano at pamamaraan.








Reperensya: 

https://www.scribd.com/doc/281970987/Unemployment-sa-Pilipinas?fbclid=IwAR3Y8dWmM2az0ASo8Cr7TJOWGpiQGDr0Bq6viksXd9sDu4hr647Zn90kPPICatubayL.

https://www.scribd.com/doc/281970987/fbclid=IwAR3Y8dWmM2az0ASo8Cr7TJOWGpiQGDr0Bq6viksXd9sDu4hr647Zn90kPPIOrtiz https://www.academia.edu/42045528/Araling_4_KAWALAN_NG_TRABAHO?fbclid=IwAR3CzLOnKq9lv7VVKGCt6wdN59Ty2VCl4SmdPsCkDvPU2NsdWeZRu-_TEEYPettingerT.(2009).

https://econ.economicshelp.org/2009/10/solutions-to-unemployment.html?m=1&fbclid=IwAR1bzDDFiB9Mx NkuTZk_0DKdrLjP8mZjboFGmj_JlChNY380p6vf1JF5swUniyalS (2020).

https://dinosoftlabs.com/10-initiatives-by-government-of-india-to-curb 

unemployment/?fbclid=IwAR2rb-j0AR  wLzizE5DMzsea8jDAk0hX5cQQtMkH6tev33IBjl5qPY2oapg https://spontaneousheroes.weebly.com/unemployment.html https://yanniashley.wordpress.com/2017/08/19/kawalan-ng-trabaho/ https://oui.doleta.gov/unemploy/coronavirus/pua_factsheets/pua-fs-tagalog.pdf













35 comments:

  1. Sa panahon ng pandemya, bilang studyante ang ating tanging maitutulong ay pag aaral ng mabuti. Huwag tayo manghinayang sa 4 o 5 taon na pag aaral sa bagkus ay gamitin natin ito upang maiangat natin ang ating mga sarili.

    ReplyDelete
  2. Tama lamang na mas pag tuunan ng ating gobyerno ang sektor ng agrikultura, sapagkat dito tayo mas angat at mas mahusay kung kaya huwag natin ito baliwalain.

    ReplyDelete
  3. Jieliet Jen Orienza

    Nakakalungkot isipin na dahil sa pandemic andaming nawalan ng trabaho at di naman ito matulungan ng gobyerno, kaya para sakin mas maigi pa na maabilidad ka sa lahat ng bahay kase hindi ka magiging limitado sa mga gantong klase ng panahon

    ReplyDelete
  4. Pag aaral talaga ang sa tingin ko dapat nating unahin, kase kahit saan tayo pumunta hindi hindi ito mawawala at lalo pa itong madadagdagan. Huwag na tayo pang dumagdag sa posyento ng unemployment bagkus tayo bilang kabataan ang maging solusyon nito.

    - Patricia Escolano

    ReplyDelete
  5. Dapat lang talaga pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang pag papalawak at pag papadami ng trabaho sa bansa, para hindi na kelangan ng ating mga kababayan na mangibang bansa at mula dito ang ekonomiya ng bansa natin ay tataas gayundin ang pag unlad ng bawat isa.


    -Paula Norcio

    ReplyDelete
  6. Sa tingin ko ay dapat lamang na mas lakihan at paramihin ang oportunidad lalo na sa mga taong kabilang sa mababang antas ng lipunan sapagkat sila ang pinaka-apektado sa kadahilanan sa kakulangan sa edukasyon at pati na rin sa experience. Isa pa sa tingin ko na problema ay ang masyadong mataas na rate ng import products imbis na lokal na produkto ang bilhin. Dapat mas unahin muna natin ang pag-tangkilik sa sariling produkto ng bansa upang maiwasan ang pagkawala ng trabaho.


    -Kriza Aquino

    ReplyDelete
  7. Sa tingin ko dapat nila palakihin o padamihin ang mga trabaho sa pamamagitan ng pagsasaka o ibang bagay tulad ng patatanim, para makapag produce tayo ng mga prutas na pwede nating ipagmayabang sa ibang bansa



    - Jholo Borromeo

    ReplyDelete
  8. Sa ngayon kahit na madaming negosyo na ung nagbubukas madami padin tao ang walang trabaho, kaya dapat talaga gawan ng paraan ng gobyerno ung pagbuo ng mga trabaho para rin mabawasan ang mga mahihirap at maiwasan ang nga krimen tulad ng pag nanakaw at pagpatay para lang makakuha ng pera pangkain.


    Jude Ramzel Nacional

    ReplyDelete
  9. Anlaki talaga ng naging epekto ng lockdown lalo na saking working student na sinusuportahan ang sarili kong pag aaral, nawalan ako ng trabaho at napilitan tumigil na lamang sa bahay. Hiling kolang sana na bigyan pansin ng gobyerno sektor ng negosyo para makapag bigay pa mga trabaho, at para sa mga kompanya huwag sana sila mag takda ng mataas na requirements dahil hindi naman basehan ang pag aaral kundi mas mahalaga paden ang experience at abilidad ng tao sa isang trabaho

    -Neogail Pangilinan

    ReplyDelete
  10. John Kenneth D. Marquez
    Isa din talaga dahilan bakit wala mga trabaho tao kase sa mga requirements ng mga businesses, antaas nila tumigin sa pinag aralan o ng experience. Katulad ng pag kukuha ka ng valid id kelangan mo ng valid id para makakuha, ganun din sa trabaho kaya kanga kelangan ng trabaho para magka experience tapos hahanapan ka ng experience

    ReplyDelete
  11. Sumasangayon ako sa sanhi ng umeployment na nabanggit dito, dahil sa lockdown kasabay ng pagtaas ng unemployment rate ay ganun nadin tumataas ang populasyon lalo na ang teenage pregnancy na siyang nagiging dahilan kung bakit karamihan sa kanila ay dina tumutuloy sa pag aaral na isa din sahni ng unemployment. Konektado ang lahat ng bagay kaya dapat maging responsable tayo sa ating mga desisyon.

    -Alex Espeleta

    ReplyDelete
  12. Unemployment talaga ang isa sa mga suliranin na hanggang ngayon ay wala padin konkretong solusyon, kaya tayo bilang mag aaral piliin natin ang course na ating kukunin para sa huli ay di tayo mauwi sa bilang ng mga taong walang mapasukang trabaho

    -Jepoy Dimagiba

    ReplyDelete
  13. Isa talaga itong mabigat na problema ng isang bansa. Kahit anong solusyon ang gawin ay hindi parin ito maiiwasan.Kaya tayo bilang mga bata pa lamang ay dapat magsipag at mag aral ng mabuti dahil isa itong susi sa ating tagumpay.


    -Keanna Balla

    ReplyDelete
  14. Sang-ayon ako sa suliraning nakalatag sa tekstong ito. Dulot ng pandemya, lumago ang bilang ng mga mga nawalan ng trabaho, panay ang pagbabago ng sistema, sa pagkakaroon pa lamang ng mga restriction sirang sira na ang pangkabuhayan ng marami. At isa ito sa mga dahilan kaya't laganap ang krimen, kahirapan at pagkawala sa landas ng ating mga kabataan.

    - Regiena Castillo

    ReplyDelete
  15. Ayon sa aking persepsiyon, ako ay sumasang-ayon sa mga impormasyon na nakalathala dito, lahat tayo ay labis na naapektuhan ng pandemya, lalo na ang mahihirap, na ang tanging inaasahan lamang na mapagkukuhaan ng panggastos sa araw araw na pangangailangan ay ang kanilang trabaho. Kaya't nung nagkapandemya ay tanging ayuda sa gobyerno lamang ang naging pag-asa sa pagtanggal ng gutom na kung susumahin ay kulang lalo na kung marami ang miyembro ng inyong pamilya. Nakakalungkot man ngunit ito ang reyalidad ng buhay, kailangan natin tanggapin na may mga bagay na 'di natin kontrolado at 'di gusto. Kaya't ang tanging solusyon dito ay magsikap at patuloy na tuparin ang pangarap.


    - Mark Vien Mallari

    ReplyDelete
  16. Sumasangayon ako sa mga rason na nabanggit kung bakit patuloy ang pagtaas ng unemployment, isa na dito yung requirements sa pagpasok ng isang trabaho tulad ng edad, height at minsan ay weight ng isang tao. Na nagiging hadlang para hindi sila matanggap at makadagdag sa mga taong walang trabaho, siguro para sakin huwag nating gawing basehan to bagkus gaya ng sa ibang bansa pagbasihan natin ang abilidad at kakayahan ng isang tao kase kung ating titingan hindi naman height o edad ang nagpoproduce ng produkto o serbisyo e bagkus ito ay ang kakayahan ng isang tao

    -Emmanuel Marcelo

    ReplyDelete
  17. ang isyu ng kawalan ng trabaho ay repleksyon ng kalagayan ng ating bansa. Maramingmga tao ang maghihirap kung wala silang trabaho. Makatutulong ng malaki ang mga solusyon na aking inilatag, hindi man nito lubusang matigil ang isyu ng kawalan ng trabaho, malaki ang magiging epekto nito sa pagbawas ng bilang ng mga walang trabaho o mapasukang trabaho sa bansang Pilipinas.

    ReplyDelete
  18. Dahil sa pandemya, natigil o limitado ang operasyon sa ilang sektor, gaya ng pagkakaroon ng mga face-to-face concerts. Umaaray din ang industriya ng turismo.

    Kalauna’y niluwagan ang mga quarantine restrictions sa layuning mabuksan ang ekonomiya, habang sinusundan ang mga "minimum health at safety protocols" na inilatag ng gobyerno.

    ReplyDelete
  19. Mahusay ang arktikuklong ito, sapagkat naitala ng manunulat ang mga dapat malaman ng mga tao. Sa aking palagay, nararapat lamang na pagtuunan natin ang mga bagay na mayaman ang ating bbansa partikular sa sektor ng agrikultura. Sa gayon, mas magkakaroon tayo ng pagkakataon na ayusin ang mga wala sa atin katulad ng kakulangan sa trabaho lalo na ngayong may pandemya. Sana ay ayusin din ng mga kabataan ang kanilang pag-aaral dahil makatutulong ito upang umunlad ang ating bansa. - rosie

    ReplyDelete
  20. Sang ayon ako sa naka tala sa artikulo na ito dahil nga sa pandemya ay Madaming stablisimentong nag sara at madami ang nag hirap at nawalan ng trabaho ang ekonomiya natin ay bumaba na at umaasa na lamang sa mga ayuda na di sapat sa pang isang linggo . Ang mga wala din trabaho ay mga un educated kaya nahihirapan sila na makahanap ng trabaho at ang limitado din sa panahon na ito mahirap talaga ang makahanap ng stable na hanap buhay

    ReplyDelete
  21. Nakakalungkot isiping mataas na nga ang unemployment rate ng Pilipinas, mas lalo pang tumaas nang dahil sa pandemya. Edukasyon, family planning at pagpapaunlad sa sektor ng agrikultura ang iilan sa mga solusyon na nabanggit sa artikulo. At sumasang-ayon ako dito. Dapat maging bukas at magkaroon ng maayos na kaalaman ang mga pilipino sa usaping family planning. Mabigyan sana ng sapat na atensiyon ang mga magsasaka at mapaunlad at maisaayos sana ang sistema ng edukasyon sa bansa.

    -Naomi Telen

    ReplyDelete
  22. Ang inpormasyong inilahad ay nakabatay sa reyalidad Ng buhay. Ang blog na ito ay impormatibong babasahin na talaga naman sulit basahin ng bawat pilipino. Tulad ng nabanggit, may mga solusyon tayo maaring maging ulunas sa pagharap ng kahirapan at kawalan ng trabaho sa panahon ng pandemya,kaya marapat na wag mawalan ng pagasa ang bawat isa.

    ReplyDelete
  23. Ang blog na ito ay nakapagbigay ng maraming impormasyon na makakatulong sa atin upang mas maunawaan natin ang patungkol sa unemployment. Ito ay nagtataglay ng sapat na impormasyon na siyang magagamit natin upang magbigay sagot sa ating mga katanungan patungkol sa unemployment. Sumasang-ayon ako sa kanilang nailahad na kung saan ang kinakaharap nating problema ngayon ay isa sa dahilan kung bakit nadagdagan ang bilang ng mga unemployment na naging dahilan ng paghirap lalo ng mga naghihirap. Ang pandemyang kinakaharap natin ngayon ay isa sa dahilan kung bakit marami ang mga walang trabaho dahil sa kawalan ng oportunidad kung kaya't nadaragdagan ang bilang ng mga unmployment. Mahusay ang pagkakagawa ng blog na ito, bukod sa ito ay naglahad o nagpaliwanag ng isang isyu ay naglahad din ito ng mga posibleng solusyon sa problemang kanilang pinaksa at nagbigay din sila ng mga datos tulad ng pagtaas ng porsyento ng mga unemployment at paglalahad ng impormasyon mula sa isang tao.

    ReplyDelete
  24. Pag aaral talaga ang sa tingin ko dapat nating unahin, kase kahit saan tayo pumunta hindi hindi ito mawawala at lalo pa itong madadagdagan. Huwag na tayo pang dumagdag sa posyento ng unemployment bagkus tayo bilang kabataan ang maging solusyon nito.

    ReplyDelete
  25. Ang blog na ito ay nakapagbigay ng karagdagang impormasyon sa mga mag aaral ukol sa nararanasan nating pandemya. Lagi lamang natin pakatatandaan na maraming oportunidad na trabaho ang nasa iyong tabi problema lang sa mga pilipino ay ang katamaran at isa pa masyadong mapili ang mga pinoy sa trabahong papasukin nila. Hanggat hindi nila nahahanap ang trabaho na nais nila y hindi sila magkukusang magtrabaho kaya nakararanas sila ng kahirapan.

    ReplyDelete
  26. Kapag ang tao ay walang trabaho wala siyang kikitain na gagamitin para sustentuhan ang kanyang sarili o sa kanyang pamilya. Madaming possibilidad na mangyari kapag walang trabaho ang isang tao, katulad nalang ng gastusin sa ospital pag may nangyaring masama sa isang miyembro ng pamilya. Sa pagkawalan ng trabaho magiging mababa din ang employment rate sa pilipinas.

    ReplyDelete
  27. Ilan sa mga dahilan ng kawalan ng trabaho sa pilipinas ay ang kawalan o kakulangan ng edukasyon sa bawat mamamayan. hindi hadlang ang kahirapan sa pag-aaralan - walang sapat na kaalaman sa paggawa ng bagay na makakakita ng trabaho. Bukod dito ay ang pagiging tamad, marami namang trabaho pwede ngunit mas pinipiling tumambay na lamang.

    ReplyDelete
  28. Ang kawalan ng trabaho, ayon sa OECD (Organisasyon para sa pang-ekonomiyang Pakikipagtulungan at Pag-unlad), ay ang mga taong mas matanda kaysa sa tinukoy na edad (karaniwang 15) [2] ay hindi binabayaran sa pinaghahanapbuhayan o sariling hanapbuhay.

    ReplyDelete
  29. Dapat lang pagtuunan ng pansin ang gobyerno ang pag bbigay ng trabaho sa mga pilipi upang sa ganon ayy malutaas ang kahirap saating bansa hindii hadlang hindii nakatapos upang magkaroon ng trabaho angg isang pilipino

    ReplyDelete
  30. Ang kawalan ng trabaho ay ang pag hihirap ng mga tao sapagkat saan sila kukuha ng kanilang pangangailangan kung sila ay mawawalan ng trabaho. Dahil nga sa pandemyang ating kinahaharap ay hindi biro kaya palagi parin tayo mag ingat at magtulungan

    ReplyDelete
  31. sang-ayon ako sa nilalaman ng tekstong ito.

    ReplyDelete
  32. Dapat natin bigyan ng pansin ang pagbibigay ng trabaho upang hindi na nila kailangan magibang bansa para lang magtrabaho. Bigyan ng pansin ang mga hinanaing ng lahat dahil hindi hadlang sa buhay ang hindi nakapagtapos ng pagaaral.

    ReplyDelete
  33. Tayung mga pilipino ay nag aasam talaga ng matiwasay na buhay.. at iilan din sa atin ang nagsasakripisyo para lamang mabigyan ng magandang buhay ang ating mga mahal sa buhay. Kahit di ganun kadaling mawalay sa pamilya . Kaya marapat lamang na pag tuunan ng pansin ang mga wlang trabaho o wlang hanap buhay, at sana lumaki na rin ang sahod , dahil palaki at pamahal na rin ang mga bilihin.

    ReplyDelete
  34. Grabe rin talaga naging epekto ng pandemya sa ating lahat. Marami ring nagsara at napilitang isara ang mga businesses nila.

    ReplyDelete
  35. Kung naka-pokus tayo sa pandemya, kanya kanyang pagpupursigi ginawa ng mga Pilipino pero hindi lahat nabigyan ng pagkakataon na maipagpatuloy at mapalago ang mga naisip nilang solusyon para makaahon at may maipanggastos.

    ReplyDelete

Pandemya: Paano na? "Kawalan ng hanapbuhay sa gitna ng pandemya"

Source: https://www.bworldonline.com/jobless-rate-soars-to-8-9-in-sept/      Ang Unemployment ay isang kondisyon kung saan ang mga manggagaw...